Cardona Rizal History
August 13, 2009
Quiz is on the way…
April 21, 2009
Martes maaga akong gumising dahil may pasok sa skwela at may QUIZ! Pero pagpasok ko o pagdating ko iba ang nagkaklase sa room namin doon sa room 209 kaya nagtaka ako? at tumingin tingin sa paligid tapos may nakita akong kaklase ko ang sabi nya nasa Deans office si Ma’am. Sa ibang room kami nag klase pagkatapos ng discussion nag quiz tapos noon bilang may sumundo kay Ma’am. May meeting sya kaya nag break muna kami then after a minutes uwian na! Yehey… Dumating ako sa bahay nagcomputer nood ng TV hanggang matapos ang araw… Syempre gabi na kay Good Night…
Just an ordinary day… VI
April 20, 2009
Lunes tanghali na nang ako ay magising agad akong kumain ng almusal tapos akoy sumalang na sa computer. Pagkatapos akoy inutusan ni Nanay na bumili ng sinulid sa Tatay. Paguwi ko nanood na ako ng TV at nag review dahil ako ay may pasok bukas, tapos kaylangan ko ng matulog dahil maaga paang pasok ko bukas… Good Night
Nakakagulat! si Carlo magpapatuli na!
April 19, 2009
Linggo, maaga kong nagising dahil magsisimba kami. Maaga rin kaming nakapunta ng simbahan. Eleksyon pala ngayon ng Youth officer at si Meng ang nailect na MYF president pero siya ay nagdecline dahil sa personal na reason. Nagkaroon ulit ng eleksyon para sa pwestong president at ako ang sumunod na elect. Paguwi namin sa bahay nalaman ko na ngayong ang tutulian na ngayon si Carlo, sinamahan namin siya nina Nanay at tita Carmen sa Morrong para tulian. Tapos noon paguwi namin sa bahay akoy nag review, nanood ng TV at kinagabihan ehto nagsusulat at matutulog na rin… kaya good night na bukas naman ulit…
Just an ordinary day… V
April 18, 2009
Panibagong linggo nanaman ang natapos, kaninang umaga anong oras na nang ako ay magising. Kaya ang almosal ko at tanghalian sabay na. Pagkatapos kong kumain akoy nagreview doon sa kilod bahay sa may duyan. Presko at tahimik doon talagang makapag-rereview ka ng maayos. Pagkatapos kong mag review akoy bumalik na sa bahay para ipaprint ang ginawang liturgy ni May Ann. Paguwi ko inabutan kong nagkocomputer si Carlo kaya hindi ako nakagamit ng PC kaya nanood nalang ako ng TV. Nang matapos sya ako naman ang nag computer at sya naman ang ang nag TV. Pagkatapos kong mag computer akoy kumain na nang hapunan at pagkalipas ng aking kabusugan akoy natulog na…
Friday at school summer class
April 17, 2009
Biyernes, may pasok maaga akong nagising mga 6:30 AM at 8:00 ang time ng klase kaya 7:30 paalis na ako sa bahay tamang-tama lang ang pasok ko. Pagdating ko doon dinatnan kong nag hihintay ang aking mga kaklase sa aming Instructor na si Ma’am Cruzado. Pero mga ilang minuto pa dumating na rin sya, nagsimula agad ang aming klase sa reporting pagkatapos ng dalawang reporter breaktime na, kunain kami sa canteen tapos naming kumain bumalik na kami sa room. Pagdating ko sa room naisip kong sumilip sa bintana at doon ko nakita si Jeremy sa may CITM park. Si Jeremy ay dati kong classmate noong hindi pa ako nagkakaskit at noong regular pa ako. Pinuntahan ko sya paramakipag kumustahan. Nalaman ko na yung iba naming mga kaklase ay may mga trabaho na natanggap sa pinag Oojt-han nila. Tapos bumalik din agad ako sa room at nadatnan ko na nagsimula na ulit sila ng klase. Natapos ang isang reporter at nag uwian na, nakarating ako sa bahay at nag bukas ako ng computer at kumain, kinagabihan natulog na ako…
Good Night…
Wala paring pasok sa Summer Class ko…
April 16, 2009
Mag aalas dose nang ako ay magising walang pasok dahil graduation day sa URSM. Nagcomputer nalang ako sa bahay dito lang talaga nauubos ang aking oras. Pagkatapos kong mag computer akoy naligo na, at ayun mga konting oras ay natulog na ako. Kinabukasan ay may pasok pa sa eskwela gigising pa ako ng maaga, kaya hanggang dito nalang…
Just an ordinary day… IV
April 15, 2009
Miyerkules tanghali nanaman ng ako ay magising wala kasing pasok, TTh lang kasi ang pasok ko. Wala namang kakaiba sa araw na ito, ang gawa ko lang ay magcomputer at manood ng TV. Syempre naisipan ko ring magbasabasa ng report ko sa retorika. Pero bukas wala paring pasok yun kasi ang sabi Instructor ko dahil alanganin pang pumasok ng mga araw na yon, kaya biyernes nalang daw. at yun kinagabihan natulog na ako… Good Night…
Just an ordinary day… III (study your report)
April 14, 2009
Martes ng umaga maaga akong gumising dahil may pasok sa ekwela, alas otso palang wala na ako sa bahay. At sawakas pumasok na rin ang alan sa aking mga kaklase, dinatnan ko narin na nandoon ang aming instructor. Kaya lang hindi paring ganoon kalinaw ang schedule ng aming klase, wala pang alas onse ng idismis ang klase dahil kakaunti pa kaming pumapasok. Pero nabigyan na kami ng report kaya kalangan ko na itong paghandaan. Sakin na assign yung chapter four ng ginagamit naming libro. Pag dating ko sa bahay inutusan akong bumili ng lutong ulam para may makain. Pagkatapos kumain nanood na ako ng TV, nag computer at nagbasabasa ng aking report tapos kinagabihan natulog na ako… good nyt…
Just an ordinary day… II
April 13, 2009
Monday tanghali na nang ako ay magising dahil nakakatamad bumangon ang bigat ng pakiramdam dahil sa iniinom kong gamot. Si Carlo pa ang gumagamit ng computer kaya nanood nalang ako ng TV. Hindi ko namamalayan miryenda na pala sabay dating ng pinsan kong si ata Aque dalay tinapay galing bakery hmmm… insimada. Habang kumakain si tapos na si Carlo gumamit ng PC kaya ako naman, ako ang nagcomputer hanggang 7:00 pm pagkatapos noon si Jellie naman ang nag computer. Nakaluto na ng hapunan sinigang na tilapia ang ulam. Pagkatapos kumain ako ang naghugas ng kinainan tapos uminom na ako ng gamot… kaylangan ng matulog ng maaga dahil may pasok pa ako bukas… Good Night…